Wednesday, October 31, 2012

Gitara

Natatandaan mo pa ba kung kelan ka unang humawak ng gitara? nasubukasn mo na bang gumamit ng kuwerdas na gawa sa wire galing sa brake ng biseklata?  o di naman kaya sulatan mo ng anim na guhit ang iyong kanang braso at gawing fretboard para lamang ma ensayo mo ao dimo makalimutan ang mga chords na iyong natutunan?.

Grunge era, lahat gusto matuto tumugtog ng instrumento, bumuo ng banda, lahat kool at pasok lahat ng musikang maiingay at mga DIY na klase ng pagbuo ng kanta basta nakaka headbang ok na, Ito ang mga panahong na engganyo rin akong mag aral mag gitara.

Laking probinsiya ako at hindi ganoon accepted ang mga klase ng musikang nau uso noong panahong iyon bagamat hilig ko na mula bata ang The beatles at madalas kong marinig sa mga Tiyuhiin ko sa pinapatugtog nilang cassette ang mga bandang KISS, SCORPION, DEEP PURPLE, NAZARETH, BLACK SABBATH, LED ZEPPELIN at iba pang genre ng music pero iba parin ang dating ng Grunge music sa akin malakas ang hatak kasi hindi kagaya ng mga naunang genre na kailangan mong kamutin ang fretboard ng gitara mo sa pag lead para masabing ikaw ay  mahusay.

Eto na ang problema gusto ko matutong mag gitara pero wala akong gitara estudyante palang ako noon sa GAUF, pero dahil sa hirap din ng buhay natural mas uunahin muna ang pang kain kesa sa kung ano pa man kaya't sa kagustuhan kong matuto, kasama ang chord chart na galing sa song hits plus ballpen sinusulatan ko ng 6 na guhit ang aking kanang braso na kamukha ng fretboard ng gitara at doon ko nalang sinusundan ang tamang pag lapat ng mga daliri para sa mga chords at di naglaon me idea na ako paano ang ibat ibang paglapat ng mga chords.

At nun nakabili mga pinsan ko (Benjie & Dennis Durao) ng gitara.. (sila nga pala ang nag introduce sa akin sa grunge music at iba pa.) sa sipag at tiyaga at sa pasingit singit  na pagtuturo ng ibang nauna na sa akin at matatanda ng gitarista at sa wakas natutunan ko na ring tugtugin ang mga kanta ng aking mga paboritong banda. madalas nagpupunta ako sa raon dahil nandun lahat ibat ibang klase ng gitara nakakapaglaway at iniisip na sana magkaroon din naman ako ng sarili kong gitara. Noong 4th year high school na ako nalipat na ako sa probinsiya namin sa Nueva Ecija kasi nga napaloko na sa pag aaral sa maynila at duon na ako nagpatuloy ng pag aaral.

Pagbalik ko sa probinsiya nagkitakita na ulit kami ng mga dati kong tropa medyo nag uumpisa nading matutong uminom sa mga panahong ito at naibida ko na marunong na ako mag gitara at kami ay nag hanap ng mahihiraman at bibihira lang talaga meron sa amin at panay matatanda pa. sa makuwid wala kaming napala at me nasabi naman yun isang tropa ko na meron daw sa lolo nya kaso basag na at kulang ang kwerdas sabi ko puwede na yun ang ginawa namin binalot nalang namin ng masking tape ang mga crack at ang ginamit namin na ibang string ay yari sa wire na galing sa preno ng bike, sobrang tigas pero matagal din naging gitara ng tropa yun at marami din natuto. Medyo na impluwensiyahan ko na din ang tropa at ibang kabataan sa amin at yung may mga kaya sa buhay nag sisipagbilian na ng kanya kanyang gitara at ako hehe wala pa rin.

Nagka gitara din ako bandang huli yun pekeng gibson hehe ok n yun kesa wala. at sa kagus2han mag ka banda kahit mahirap buhay bumuo kami ng drumset gawa sa mga container at galoon pure acoustic sayang lang wala man lang kahit isang may video camera noon mga panahong yun. pagka graduate ng high school na tambay ako ewan talaga yata wala sa isip ko mag aral dala palagi gitara at ang nangyari sa inuman naging gitarista.

1997  iba't ibang klase na ng music ang nauuso at namamayagpag na ang BRITPOP ayos parin naman kahit ganoon nakaksabay sa pagbabago. nakapag aral naman ng bokasyonal sa Marinduque at madami din ako na meet at nakasama doon na talagang mahuhusay na nagiging hanap buhay na nila ang pagbabanda. halo halo din ang mga experience pero atleast walang maitapon na ala ala khit pa pangit ok pa rin.

Naka tapos ako ng 2 yrs course at muli bumalik sa amin sa nueva ecija. panahong bihasa na din mga naiwan kong tropa at mga kabataang naimpluwensiyahan ang iba me mga banda na at tumtugtog na kung saan. Minsan tumutogtog ako sa terrace ng bahay ng lola ko bigla siya lumapit sabi nya tugtog ka ng tugtog diko naman naiintindihan tpos bigla kumanta sabayan ko daw eh paano ko sasabayan yun eh noon ko lang narinig ang kantang yun kundiman. lakas mag trip ng lola ko 80 yrs old yata siya nun. palagi ko siya ka kwentuhan pag free time. isang araw nagpunta sa akin tropa ako at sinabi na may pinag bibiling electric guitar bago pa naman galing taiwan Yamaha agad kung pinuntahan at sabi ko kukunin ko. takbo agad ako sa nanay ko at humihingi ng pambili hehe diko na naisip mahirap ang buhay ang gusto ko magkaroon ng electric guitar. nagkataon naman nandoon c lola at tinanong ako gusto mo ba talaga awww abot hanggang tenga ngiti ko sabay punta sa bahay niya at pag balik dala na pera. masinop sa pera lola ko kaya yun sa madalit sabi nabili ko electric guitar dahil sa lola ko sarap ng pakiramdam first time problema wala naman akong mga pedal o gadget para makuha ko gus2 ko tunog kaya nag experemento nalang kami ng tropa ko may mga sinaunang component na nag de destort pag tinaas lahat equalizer at yun iba nmn tinutusok ko nalang yun spekear para bumarag tunog. mga ilan araw ko lng din nagamit ang electric ko at inaya na ako ng tiyahin ko sa may nila para sumama sa mga pinsan ko na mag apply ng trabaho. Mga ilan araw lang din naka tanggap kami ng tawag na sumakabilang buhay na lola namin nakakbigla ang ganoong balita iniwan ko lng na malakas nagkwentuhan pa kami at pinakamatindi nakuha ko pa electric guitar na gusto ko ng dahil sa kanya. June 23, 1999 yan ang araw na isa sa pinakamulungkot na pangyayari sa buhay ko. nawala pinakamamahal naming lola at isang hindi ko pa alam sa kbilang panig ng mundo kung saan nagtratrabaho naman ang tatay ko may hindi rin pala magandang pangyayari dahil agaw buhay din siya dahil sa sakit niya kaya pala di siya naka uwi nalaman nalang namin ng isang gabi ay biglang bumukas ang gate namin at yun si erpat nga naoperahan siya grabe laki ng hiwa sariwa pa nga pinilit nalang niya umuwi... at ngayon nga pumanaw na rin aking ama kasama na niya ngayon sina lolo at lola  buhay parin lahat ng mga alaala ng kami ay buo pa at masayang magkakasama. SALAMAT LOLA AT SA AKING AMA.





Friday, August 24, 2012

Balikbalik

Gaya nga ng kanta ng bandang YANO na ESEM minsan nailalarawan nating mga pinoy kahit sa hirap ng buhay nakukuha parin nating maging masaya nakahanap ng paraan para sa panandaliang oras eh makalimutan ang problema.

Unang blog ko ito at diko pa alam kung paano ang diskarte dito. medyo free time ngayon naghahanap ng magagawa napasilip tuloy ako sa blog ni NoBenta na dati ko na rin binibisitang blog kasi halos lahat ng blog niya ay naka relate ako malamang magka edad lang kami kaya naisip ko na din gumawa nito at parang magkaroon na rin ng kausap maliban sa sarili ko hehehe. hindi pa naman ako baliw mahilig lang ako mag isa at masaya na sa pakikinig ng music, panonood, pag drawing, pag internet, pag inom ng alak at pag gigitara, mas mabuti nang ganito kesa makihalubilo sa mga taong di ako maintindihan na nagmamagaling na kilala nila ako o mga taong pag kaharap mo ay parang anghel at pag talikod masahol pa sa demonyo, mabibilang lang ang aking mga tropa hindi dahil sa ayaw ko makipag kaibigan sa iba dahil alam ko na hindi kami pareho ng hilig at malamang magka initan pa .

Naalala ko tuloy ang yumao kong ama na madalas magalit sa akin sa kadahilanang para lang daw akong isang tuyong dahon na kung saan  tangayin ng hangin ay doon na lamang. sabagay tama siya at hanggang ngayon akoy tangay parin ng hangin sa mahiwagang ilusyong tinatawag nating mundo. Hep!!!.... teka di ako naka drugs ha? itinitipa lang ng aking daliri sa keyboard ang kung ano man pumapasok sa utak ko ngayon.

Madalas noong ating kabataan malamang ngumingiti o tumatawa tayo dahil talagang masaya tayo at dama natin ang ligaya na nagdudulot nito sa ngayon marami ng dahilan ang pagtawa o pag ngiti minsan nagiging panakip butas nalang natin sa totoong nangyayari sa ating buhay mapagtakpan lang ang hirap, sakit na nararanasan sa araw araw. kayat minsan di natin maiwasan muling balikan ang ating kabataan.

Yun!!! gabi nanaman pala bigla ko naalala tapos na pala ang mahabang bakasyon balik nanaman bukas sa trabaho gaya nang nakagawian simula ng matapos at tinuldukan na kamusmusan. Kaya tuloy iniisip ko nalang sana totoo ang pelikulang Back to the Future na puwede nating magamit at muling balikan ang mga nakalipas sa ating buhay at muli maitama ang mga pagkakamali. oops!!! teka nalalayo na ata ako sa katotohanan, katotohanang  sa mundong ito tayo ay naglalakbay lamang at gaya ng sinasabi ng aking ama na hindi tayo talaga dito at tayo ay bumibisita lamang kailangan lang natin matutunan o hanapin kung ano ba talaga ang silbi natin sa lupang ito at maipakita sa Lumikha na tayo ay karapat dapat sa muli nating pagbabalik sa tunay nating tahanan sa piling niya.

Para tuloy akong isang tubig sa lawa na nananatila at di umaagos.  napakahalaga sa akin ng bawat panahon na lumipas na maaring sa iba ay mas ninanais pang kalimutan nalamang sabagay depende sa karanasan o naranasan, madalas ko itong binabalikan sa tuwing ako ay nalulungkot at sa mga aral ng aking mga magulang na pinagkukunan ko ng lakas ng loob, mga panahong nawala panahong sama sama pa at masasaya. Ngunit ganoon talaga walang permanente at lahat naglalaho, nagbabago at dumarating ang tamang oras sa bawat buhay na lilisanin natin ito, sadyang hindi patas ang mabuhay sa mundo nagkakatalo nalang ito sa deskarte natin sa buhay sa tinatahak nating landas at sa kapalarang tayo ang gumawa.